DOH, naglaan ng P55M halaga ng tulong para sa Agaton-hit areas

Naglaan ang Department of Health (DOH) ng mahigit P55.7 million na halaga ng supplies para sa mga rehiyon na direktang apektado ng pananalasa ng Tropical Depression Agaton.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, P55,736,644.82 na logistics ang available sa regional warehouses sa Regions 5, 6, 8, at 10, kung saan P6,177,508.19 sa supplies ay binubuo ng mga gamot, health kits, personal protective equipment (PPEs), at iba pang medical and COVID-19 supplies.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sa gitna nito, pinaalalahanan naman ni Vergeire ang mga taong apektado ng bagyo na maghanda ng kanilang go-bags na may lamang pagkain, toiletries, first aid kit, survival kit, mga damit, beddings, at PPEs sakaling kailangan nilang lumipat sa mga evacuation centers.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Maliban dito, nanawagan rin ang opisyal sa mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng safety officers na mag-aasikaso sa mga evacuation centers, para matiyak na susundin ng mga evacuees ang minimum public health standards laban sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD