Nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa sa posibleng community transmission ng mpox matapos itala ng Pilipinas ang unang kaso nito mula nang ideklara ng World Health Organization ang public health emergency.
Maalaang sinabi ni Herbosa na hindi imported ang kaso dahil walang history travel ang 33-anyos na lalaki mula Metro Manila.
Paalala ni Herbosa sa publiko, maaring mahawa ng mpox sa pamamagitan ng intimate o close contact.
Nagbabala rin ang DOH na ang kontaminasyon ay maaaring magmula sa mga gamit tulad ng mga damit at kubyertos.