Makikipagpulong ang Department of Health kasama ang Departments of Finance at Budget and Management upang pag-usapan ang pondo para sa special risk allowance ng healthcare workers para sa taong 2022.
Inamin ni DOH Secretary Francisco Duque III na maliit lamang ang source ng pondo para sa SRAs ng medical fronliners noong 2021.
Sinabi niya na para sa 2022, ay humihingi ang DOH ng tinatayang P50-billion para pondohan ang SRA.
Ayon kay Duque, umaasa sila ng mas magandang revenue generation at mas-efficient na koleksyon.
Ipinunto naman niya na wala pang dalawang buwan ang itatagal ng P7.9-billion na programmed funds na nakalaan para sa allowances sa ilalim ng General Appropriations Act para sa 2022.
Ibinunyag din ni Duque na meron ilang SRAs at benepisyo ng healthcare workers noong nakaraang taon ang hindi pa naibibigay ng buo.
