Naniniwala ang tech news editor ng Manila Bulletin na posibleng naghahanap ng “bug bounty” ang mga nang-hack sa servers ng Commission on Elections.
Ayon kay Art Samaniego, ang “bug bounty” ay isang termino na ginagamit ng security professionals kung saan ay may kapalit ang bawat impormasyon na ibibigay sa isang kompanya.
Ang nasabing pahayagan ang unang nag-ulat tungkol sa nangyaring breach sa servers ng Comelec, at pag-download ng sensitibong voter information, kabilang na ang usernames at PINS ng vote-counting machines.
Sinabi ni Samaniego na mayroong unnamed source ang nagbunyag na mayroong nagaganap na “cyber espionage” simula pa noong January 8.
Naibahagi rin ng source sa kanila ang screenshots ng active directory, na nagpapakita na mayroong “full acess” ang hackers sa system.
Samantala, itinanggi naman ng poll body na nakaranas ito ng data breach at nilinaw na wala pa sa servers nila ang mga nasabing datos.
