DOH – Laguna, natitirang high risk para sa COVID-19 sa NCR Plus

Nananatiling ang probinsya ng Laguna na lamang ang tinukoy bilang high-risk para sa COVID-19 sa NCR Plus.

Batay sa datos mula kay DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, lumalabas na ang mga infections sa Laguna ay tumaas ng 6% noong June 13 hanggang 26, habang ang kanilang average daily attack rate (ADAR) ay mataas sa 8.24 cases per 100,000 population.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa gitna nito, ang hospital bed occupancy rate ng probinsya ay nasa safe zone naman sa 59.09% mula June 29, pero ang kanilang intensive care unit (ICU) bed utilization rate ay nasa moderate risk category sa 66.67%.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Rizal ay tinukoy na bilang low risk, dahil sa kanilang negative two-week case growth rate at moderate-risk ADAR.

Sa kabila nito, sinabi ni De Guzman na may ilang lugar sa NCR Plus na nananatiling nasa ilalim ng general community quarantine with some restrictions dahil sa “erratic” COVID-19 trends. // MHEL PACIA-TRINIDAD