Inihayag ng Department of Health na nasa “low risk” na ang Pilipinas para sa COVID-19 dahil sa pagbaba sa mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay DOH chief epidemiologist Alethea de Guzman, ang two-week growth rate (TWGR) ng bansa mula noong June 13 hanggang 26 ay bumaba sa -9%, kumpara sa 15% na naitala mula May 30 hanggang June 12.
Kung TWGR ay zero o mas mababa pa, ay isang lugar ay ikinokonsidera nang low risk.
Sa kabila nito, nagbabala si De Guzman na ang growth rates sa pagitan ng -1% at -10% ay maaring prone pa sa biglaang spikes.
Samantala, sa kabila na ang overall classification ay nasa low risk, ang average daily attack rate o ADAR ng bansa ay nasa “moderate” level o 5.42 mula June 13 hanggang 26, mas mababa sa 5.96 na naitala noong May 30 hanggang June 12.
Sa kabilang banda, apat na rehiyon pa ang nasa “high-risk” category pagdating sa ADAR, na kinabibilangan ng Western Visayas, Eastern Visayas, Davao Region, at Soccsksargen. // MHEL PACIA-TRINIDAD