Hinimok ng Department of Health (DOH) at ibang mga health organizations ang publiko na magpabakuna laban sa iba’t-ibang sakit sa World Immunization Week.
Para ngayong taon, ang week-long celebration ay may temang “Magpabakuna na: Long life for all, kaya sa Pilipinas”
Ayon kay Dr. Joselyn Eusebio, presidente ng Philippine Pediatric Society na ang pagpapabakuna ang pinakamahalagang breakthroughs sa field ng human health.

Giit kasi ni Eusebio, maaring mapigilan kasi nito ang malalang pagkalat ng mga nakakahawang sakit.
Batay kay Dr. Beverly Ho, director ng DOH Health Promotions Bureau, na bumaba ang childhood immunization sa 48.5 percent noong 2021 mula sa 70 percent noong 2019, dahil sa COVID-19 pandemic.//MHEL PACIA-TRINIDAD