BoC probe vs 4 agri-smugglers, blacklisted

Kinumpirma ng Bureau of Customs na iniimbestigahan na nila ang apat na mga personalidad na inaakusahan sa large-scale smuggling ng agricultural products.

Kaugnay nito, naglabas narin umano sila ng notices sa mga ports na maging mapagmatiyag sa presensya ng naturang mga indibidwal, kabilang na ang kanilang mga kasabwat.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Sa gitna nito, sinabi rin ni Customs Commissioner Rey Guerrero na blacklisted na sa kanila ang certain Manuel Tan, Andrew Chang, Leah “Luz” Cruz at Jun Diamante.

Ang naturang mga pangalan ay unang nabanggit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pagdinig ng committee-of-the-whole noong April 12, kung saan ang mga ito ay vegetable smugglers na pinoprotektahan ng agriculture at customs officials.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Una nang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na iniimbestigahan na nila ang ilang mga DA officials kasunod ng naturang reklamo. //MHEL PACIA-TRINIDAD