Nakatakda nang ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang findings sa imbestigasyon na kanilang ginawa kasunod ng pagpapaliban sa presidential at vice presidential debates, dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang private partner ng financial obligation sa Sofitel hotel, na venue ng event.
Ayon kay Commissioner Rey Bulay, 14 na mga departamento ng Comelec ang inatasang maghain ng kani-kanilang mga tugon hinggil sa kanilang naging papel kaugnay sa postponement ng debate.
Ang naturang mga departamento ay kinabibingan ng Office of the Executive Director, Office of the Deputy Executive Director for Administration, Bids and Awards Committee, Office of the Deputy Director for Operations, at ang Procurement Management Department.

Sinabi naman ni Bulay na may ibang departamento na nagsumite ng kanilang response sa kabila na wala silang bahagi sa naturang transaksyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD