Mga lugar na nasa ilalim sa granular lockdown, tumaas pa sa 700

Pumapalo na sa 700 lugar sa bansa ang nasa ilalim ngayon sa granular lockdown.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), 146 sa naturang mga lugar ay sa Metro Manila.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Samantala, ang Police Regional Office (PRO) Ilocos Region ay nagtala ng 233 areas na nasa ilalim ng granular lockdown, habang ang PRO Mimaropa ay iniulat ang 19 na lugar.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Ang PRO Cordillera naman ang may pinakamataas na naiulat sa 302 total areas.

Sinabi ng PNP, na 1,836 ang kabuoang indibidwal na apektado sa naturang lockdowns. //MHEL PACIA-TRINIDAD