DoH, inabisuhan ang mga botante na mag-monitor ng COVID-19 symptoms

Pinaalalahanan ng Department of Health ang mga botanteng nakilahok sa eleksyon 2022 noong Lunes na i-monitor at bantayan ang sarili sa mga posibleng mararanasang sintomas ng COVID-19.

Ito ay makaraaang makitaan ng COVID-19 symptoms ang 31 mga botante nitong Lunes sa mga polling precincts sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 31 voters ang inatasang mag-self isolate matapos nga ang sintomas na ipinamalas nito.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Maliban pa rito, tuloy ang paalala ng DoH sa publiko lalo na sa mga nakilahok sa mga campaign rallies na bantayan pa rin ang mga kalusugan nito.

Ayon kay DoH Technical Advisory Group member Dr. Edsel Salvana, dahil hindi naipatupad nang maayos ang social distancing sa milyun-milyong mga dumalo sa mga miting de avance, hindi malabong nagkaroon ng transmission ng virus dito.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Dahil dito, inabisuhan ang mga dumalo sa political rallies na mahigpit na ipatupad ang pagsusuot ng face masks at i-monitor ang kanilang mga sarili nang sa gayon ay hindi na muli pang lumobo ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
#