DOH probe re: Breach sa COVID-19 vaccination protocol

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang paglabag sa COVID-19 vaccination protocol na nakunan sa video.

Sa kumalat na video sa social media, makikita ang isang health worker na nagturok ng karayom sa braso ng isang vaccine recipient, pero hindi itinulak ang plunger, dahilan para maiwan pa ang substance ng bakuna sa loob ng syringe.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Giit ng DOH, malinaw ito na paglabag sa vaccination protocol.

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensya sa publiko na ang recipient na kumuha ng video ay “successfully vaccinated” matapos ipakita ang footage sa vaccination team.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na maiimbestigahan ang insidente upang mapabuti ang national vaccination program.

Dagdag ng ahensya, kailangang gawan ng immediate improvements sa protocol para matiyak na hindi na mauulit ang naturang pangyayari. // MHEL PACIA-TRINIDAD