Mahigit 94K fully vaccinated na sa Naga City

NAGA CITY- 94, 160 na ang fully vaccinated sa Naga City , Camarines Sur habang 107,000 ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Sa Vaccination Operations Center Meeting, napagkasunduan na 15 pang mga vaccination sites ang bubuksan sa susunod na linggo. Ito ay para sa booster shots at Janssen Single dose vaccine sa adult population.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Tuloy-tuloy ang pagbabakuna ng Naga City upang maabot na ang 70% ng target  population, sa ngayon kasi 96% pa lamang ng 70% ang naabot lalo pa nalimitahan ang pagbabakuna dahil nag positibo sa COVID-19 ang ilang health workers at volunteers.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sinabi ni City Health Officer Dr. Butch Borja, simula Enero 1 hanggang Enero 24 , 2022 umabot na sa 1, 540 ang tinamaan ng virus ngunit kahamihan sa kanila ay mild cases lamang dahil mga bakunado.