DOH, bukas na i-review ang ‘brand agnostic policy’

Bukas ang Department of Health (DOH) na i-review ang “brand agnostic policy” kung saan di na iaanunsyo ng mga lokal na pamahalaan ang brand ng bakunang gagamitin sa inoculation.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nakikipag-usap na sila ng mg local government units (LGUs) lalo na sa Metro Manila para makita kung anong magiging epekto ng nasabing polisiya.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Aniya, magkakaroon din ng “limiting factors” sa di pag-aanunsyo ng vaccine brands na gagamitin sa vaccination centers. 

Ipapaalam din umano sa vaccinee kung anong brand ang ituturok dito. 

Dagdag ni Cabotaje, magkakaroon ng ideya ang publiko kung anong brand ng bakuna ang matatanggap nila batay sa distribution franework ng national government. 

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Muling iginiit ng opisyal na di naman tatanggalin ng polisiya ang right to information ng publiko dahil ipapaalam pa rin kung anong bakuna ang ituturok sa kanila sa site at kailangan din silang pumirma ng consent bilang bahagi ng proseso para sa vaccination.