Bayan ng Talisay hindi kailanman magkakaroon ng sariling dumpsite ayon sa EMB

CAMARINES NORTE- Tinuldukan na ng Environmental Management Bureau ang usapin ng posibilidad ng pagkakaroon ng sanitary landfill o dumpsite sa bayan ng Talisay

Ito ay kahit pa pasado na ang 10-Year Solid Waste Management Plan ng naturang munisipalidad.

Paliwanag dito, wala kasing lugar sa naturang bayan ang nakapasok sa criteria o requirements na pinagbabasehan ng DENR-EMB upang mapaglagyan ng landfill dahil sa kalagayang geo-pisikal ng naturang bayan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mayorya kasi ng mga barangay sa bayan ng Talisay ay malapit sa mga anyong tubig gaya ng sapa at ilog na isa sa mga pangunahing ipinagbabawal kung maglalagay ng sanitary landfill.

Ito ngayon ang malaking hamon hindi lamang sa Lokal na Pamahalaan bagkus sa mga Barangay lalo na’t habang tumatagal ay lalong lumalaki ang problema sa basura hindi lang sa bayan ng Talisay bagkus sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Wala pa kasing kahit isang bayan sa lalawigan ang mayroong aprubadong paglagyan ng sanitary landfill, maging ang kaisa-isang dumpsite ng Daet na matagal ng ipinasara ng EMB.