DOH Bicol hinikayat na gumamit na lamang ng alternatibong paputok sa pagsalubong ng bagong taon

LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Department of Health (DOH) Bicol ang mga gagamit ng mga ibat-ibang uri ng mga paputok na gumamit na lamang ng alternatibong ang mga ito upang maiwasan na masugatan o maputukan ng paputok.

Ayon kay Sam Banico, Senior Health Program officer ng nasabing tanggapan, maraming paraan para maiwasan na maputukan ang mga ito.

Read More:  ₱1.2M worth of fake food seasoning voluntarily surrendered in Bacolod

Kung titingan ang datus ng mga naputukan nitong nagdaang taon ay halos bumaba ito ng 84% o anim na lamang ang naitalang naputukan kumpara sa taong 2019 na mayroon 37 cases.

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City

Isa sa mga dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga naputukan ay dahil sa pandemya kung saan marami ang hindi nakakalabas ng kanilang tahanan at nakakaranas ang Bicol Region ng pag ulan.