Bicol Region hindi pinagbabawal ang mga Christmas party sa kabila ng banta ng COVID-19

LEGAZPI CITY – Kaliwat kanan ngayon ang mga aktibidad na Christmas Party sa ibat ibang opisina sa Bicol Region.

Ayon kay Sam Banico, ang Senior Health Program officer ng Department of Health (DOH) ng nasabing rehiyon, hindi naman pinagbabawalan ang pagsasagawa ng Christmas party sa kanilang mga opisina kahit mayroong banta ng Covid 19.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Aniya, kailangan ipatupad pa rin ang social distancing sa nasabing aktibidad.

Hindi lahat umano na dadalo sa aktbidad ay bakunado lahat, kung mayroon man nararamdamang sakit o di ka nais nais sa katawan ay huwag ng pilitin na dumalo upang hindi na magkaroon ng hawaan sa kanilang katrabaho.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Inimungkahi rin nito sa lahat ng magsasagawa ng Christmas party ay mas mainam na virtual na lamang upang matiyak ang kaligtasan ng bawat empleyado laban sa covid 19 at omicron.