DOH-Bicol, hinikayat ang publiko partikular ang mga magulang na makiisa sa isinasagawang ‘deworming’ sa mga kabataan

BNFM BICOL— Hininikayat ngayon ng DOH-Bicol ang publiko partikular ang mga magulang na makiisa sa isinasagawang “deworming” o pagpupurga sa mga batang edad isa hanggang 19 na taong gulang.

Ayon sa ahensya ang “Soil-Transmitted Helminths” o STH infection ay isa sa mga seryosong public health concern, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na kinakailangang makontrol at maiwasan.

Paliwanag ng DOH, ang STH infection ay sanhi ng grupo ng mga parasites o parasito na kinabibilangan ng mga “roundworms, whipworms at hookworms.”

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ang pagkakaroon ng STH ng isang bata ay nagdudulot ng malaking problema sakanyang ‘growth and development’ partikular sa nutritional at physical aspects.

Paliwanag pa ng ahensya, nagkakaroon o napapasok ng bulate ang katawan ng isang bata sa pamamagitan ng itlog ng naturang parasito mula sa dumi ng tao kaya’t madalas na naaapektuhan nito ang mga batang nakatira sa lugar na may “poor sanitation” o maduming kapaligiran.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Ganunpaman, ang natatanging paraan para maiwasan ito ay ang pakikiisa sa isinasagawang deworming o pagpupurga ng mga Rural Health Units at maging ng mga barangay sa mga kabataan kung saan libreng ipinamimigay ang pamurga sa mga bata katulad ng gamot na “Albendazole” na isang anthelmintic o anti-worm medication.

Sa buong mundo, tinatayang aabot sa 1.5 billion na mga indibidwal o mga bata ang nagtataglay ng naturang impeksyon kaya naman isa ang nasabing hakbang ng pamahalaan upang maiwasan o mapababa ang kaso ng STH infection sa Bicol.###