Lalaking nakuhaan ng ilang pakete ng iligal na droga sa buy bust operation kagabi kakasuhan din ng paglabag sa Comelec gun ban

CAMARINES NORTE- Nakuhaan ng baril at ilang pakete ng iligal na droga ang isang lalaki sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad pasado alas 9 ng gabi kagabi sa Purok 4, Brgy.Casalugan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala lang ang suspek sa alyas na “Tisoy” 25 anyos, may kinakasama, walang trabaho at residente ng Candelaria St., Brgy. Poblacion Norte sa naturan ding bayan.

Ayon sa ulat ng Paracale Municipal Police Station nakabili kay alyas Tisoy ng isang maliit na piraso ng plastic sachet ng hinihinilanag shabu ang umaktong poseur buyer at ito na rin ang naging hudyat para arestuhin ito.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nakuha pa sa pag iingat ng suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may katamtamang laki at dalawa pang maliit na pakete.

Tinatayang nasa P5, 000 ang street value ng nakuhang iligal na droga sa suspek.

Bukod ditt nakuha rin sa pag iingat ng suspek ang isang kalibre 38 baril.

Sa isang pahayag sinabi ni PMaj Edwin Adora, hepe ng Paracale MPS na sisiguraduhin ng kapulisan na linisin paunti- unti ang pagkalat ng iligal na droga sa naturang bayan.

Iisa- isahin din umano nila ang sinumang sibilyan na hindi otorisado sa pagdadala ng baril ngayong panahon ng eleksyon kung kailan umiiral ang gun ban.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Patuloy aniyang sisikapin ng PNP na na katokin ang mga gun owners na nangangalaga ng mga hindi lisensyadong baril upang isuko ito sa kanilang pangangalaga.

Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at sa Omnibus Election Code sa bisa ng Comelec Resolution No.10728 dahil sa umiiral na gun ban.

Ang isinagawang operasyon kagabi sa naturang bayan ay bahagi ng Enhanced Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (E-SACLEO) ng kapulisan na ginawa rin sa iba pang mga bayan.