Pagiging responsableng “social media user” ipinaalala ng isang bicolanong guro lalo na ngayong election period

BNFM BICOL—Nagpaalala ang isang bicolanong propesor sa publiko hinggil sa matalino at responsableng paggamit ng social media lalo na ngayong election period.

Sa isang panayam inihayag ni Bicol University – Technology for Teaching and Learning Professor, Alan Lucilo na kinakailangang maging maingat ang bawat isa sa pagpo-post, pag komento at maging sa pagbabahagi ng mga impormasyon, opinyon at kuro-kuro sa internet kahit pa sa mga pansariling social media accounts.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Pagbibigay diin ng propesor, ang paghayag ng opinyon sa social media ay hindi naman aniya ipinagbabawal at karapatan ng bawat users, ngunit nararapat pa ding siguraduhin na hindi nito matatapakan ang karapatan ng ibang tao sa kahit anumang aspeto.

Magugunitang ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, kaliwa’t-kanan ang nagiging batuhan ng komento at pasaring ng publiko sa social media hinggil sa mga sinusuportahan at hindi nila natitipuhang kandidato.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Halimbawa nito ang nag viral na Facebook post ng isang netizen na umani ng negatibong reaksyon makaaraang tawagin nitong “bobo” o sa salitang bicol ay “patal” ang mga botanteng sumusuporta kay Vice President Leni Robredo.

Matatandaang hindi rin napigilang mag komento ng umano’y naging guro nito at tinanong ang user kung bakit nito tinatawag na bobo ang mga suportadores ni Robredo, gayong hindi  niya naman ito tinawag na bobo nang hindi nito magawang makasagot sa kanyang klase.###