DOH at IATF wala pa ring tugon sa request na payagan nang makabili ng sariling bakuna ang Naga City

NAGA CITY- Ilang buwan na ang nakararaan ng isumite ng LGU Naga sa Department of Health at Interagency Task Force ang kahilingan na makabili ang lungsod ng sariling bakuna kontra COVID-19, subalit hanggang ngayon wala pang tugon ang Tripartite Agreement na pirmado ni Mayor Nelson Legacion.  Mababatid na mahigit P60M ang inilaan ng Naga para rito.

Itinutulak sa konseho ni Councilor Lito Del Rosario na bawasan na ang mahigit P60M na ito at i-realign na sa ibang dapat na paglaanan ng pondo, nasa limang buwan na ang binibilang ng Naga sa paghihintay ng sagot subalit wala pa rin at kulang naman ang binababang bakuna.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Pagpupunto ni Del Rosario, may mga bakuna nanang ibinababa paunti-unti sa lungsod mula sa DOH kaya habang wala pang tugon ang sa request ay kumuha na muna ng P40M sa naturang pondo. Ito ay para sa mga pangangailangan sa mga COVID facilities tulad ng mga PPEs, ventilators at iba pa , allowances ng mga nakaassign rito o kaya pangangailangan ng mga nasa frontline services , pagbili ng dagdag na ambulansya, ilaan sa community employment program at iba pa.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Samantala sa buong lalawigan ng Camarines Sur kasama ang Naga at Iriga City umabot na sa 14% ang fully vaccinated sa 1.4 milyon na target na populasyon.  Subalit 3% pa lamang ang fully vaccinated na nasa A4 Category , 39% sa A3 habang 42% sa A2 priority at 202% sa A1.