DOH: 29% palang ng eligible population ang kumuha ng kanilang booster shots

Ibinahagi ng Department of Health na tanging 29 percent palang ng mga kwalipikadong indibidwal sa bansa ang kumuha ng kanilang booster shots.

Ayon sa DOH, 9.7 million lang mula sa 33.5 million eligible people ang tumanggap ng kanilang booster shots, sa kabila ng katotohanan na ang naturang shots ay nagpakita ng mahalagang epekto sa pag-iwas sa hospitalizations dahil sa COVID-19 at severe disease.

Mababatid na iginiit ng mga health experts na ang vaccine effectiveness laban sa hospitalization para sa Omicron variant ng virus na nagdudulot ng COVID-19, ay nasa 72 percent, dalawa hanggang 24 linggo matapos ang second dose, pero bumaba sa 52 percent matapos ang 25 weeks.

Pero dahil sa booster shots, ang vaccine effectiveness laban sa hospitalization ay tumaas sa 88 percent.