DOF, nakipag-ugnayan sa ilang kumpanya ng Japan upang makatutulong sa paglago ng bansa

Lumipad ang ilang opisyal ng Department of Finance (DOF) patungong Japan upang makipagpulong sa ilang opisyal ng Nomura – isang global financial services group na nag-o-offer ng mga solutions sa retail, wholesale, at asset management.

Sa pangunguna ni Finance Secretary Ralph Recto, target ng Pilipinas na ma-explore ang mga oportunidad para sa collaboration ng fundraising activities at public-private partnerships (PPPs) sa bansa.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Hinikayat din ni Recto ang Nomura na makiisa sa Build Better More program ng pamahalaan, kung saan may mga infrastructure projects na bukas para sa PPPs.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Nagpakita naman ng interes ang naturang service group sa pagsuporta sa mga infrastructure project ng bansa, renewable energy market, at sustainability programs.

Mababatid na bukod sa Nomura, nakipagpulong din ang DOF sa Japanese manufacturing giants para mapalawak ang operasyon ng mga ito sa bansa.