Kinikilala ni Finance Secretary Ralph Recto ang hakbang ng Senado para mapabuti ang labor sector sa bansa.
Kasunod ito ng paglusot sa ikalawang pagbasa ang isinusulong na P100 na dagdag-sahod sa private sector.
‘Yun nga lang, sinabi ni Recto na kailagnan pa rin itong pag-aralang mabuti sapagkat maaari itong makadagdag sa inflation.
Aniya, ‘understandable’ naman talagang kailangan nang taasan ang sahod ng mga Pilipinong manggagawa lalo na’t bumababa ang halaga ng pera dahil sa inflation.
Sa kabila niyan, kailangan pa rin aniyang isaalang-alang ang mga maliliit na negosyo na baka ‘di kayanin ang P100 na dagdag-sahod sa kanilang mga empleyado.