DOF at BSP – pinawi ang pangamba ng publiko matapos muling bumilis ang inflation

Tiniyak ni Finance Sec. Ralph Recto na walang dapat ikapangamba ang publiko pagdating sa usapin sa presyo ng mga bilihin.

Ito ay kasunod ng muling pagbilis ng inflation rate nitong Otubre sa 2.3%.

Sa isang pahayag, sinabi ni Recto na ‘on-track’ pa rin ang Gobyerno sa inflation target nito.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Iginiit naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumababa pa rin ang inflation rate kung ikukumpara sa mga nagdaang taon sa kaparehong period.

Ayon sa BSP, kahit na bahagyang mas mataas ang naturang rate kumpara noong sa Setyembre, ang 2.3% ay inaasahan at ‘consistent’ sa assessment ng BSP na magpapatuloy ang trend papalapit sa target ng bansa sa mga susunod na mga quarter.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ibig sabihin, posibleng mas maging magaan ang supply pressures sa mga food items, partikular na ang bigas.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) – sumirit sa 2.3% ang inflation noong Oktubre dahil sa pag-akyat ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages.