Tiniyak ng Department of Energy na hindi magkakaroon ng malaking problema sa kuryente sa darating na summer season na nataon din sa May 2022 Election.
Ayon kay Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan batay sa ipinapadalang report at datus mula sa mga stakeholders wala silang nakikitang mga bagay na pwedeng maka-apekto sa suplay ng kuryente.

Dagdag pa ni Marasigan hindi rin nila nakikita na kailangan magtaas ng power supply alert level.
Nilinaw din ng opisyal ang unang pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng manipis na operating margin ng kuryente mula Abril hangang Hunyo ngayong taon.
Paliwanag ni Marasigan hindi naman ang actual supply ng kuryente ang ninipis kundi ang power reserves lamang na ibig sabihin ay hindi magkakaroon ng malakawang brownout.