Datus para sa bakuna ng mga nasa 2-5 anyos kulang pa – Vaccine expert

Hinihintay pa ng vaccine expert panel ng Pilipinas ang karagdagang datus kaugnay sa COVID-19 vaccines na gagamitin para sa dalawa hangang limang-taong gulang.

Ayon kay Vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani may mga ini-evaluate na silang mga data subalit hindi umano ito sapat para payagan ang pagbabakuna sa mga bata.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Paliwanag ni Gloriani habang wala pang karagdagang datus ay hindi nilang pwede madaliin ang evaluation lalo’t mga bata ang pinag-uusapan dito.

Binigyan diin ng vaccine expert na bago bigyan ng emergency use authorization ang isang bakuna ay kailangan ng datus na nagpapakita ng efficacy nito ng hangang kalahati ng mga participant sa phase 3 trial.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Una nang sinabi ng IATF na balak nilang mabakunahan ang 0-4 years old pagdating ng Hulyo ngayong taon.