PDP-Laban Cusi faction, inadopt si Mayor Sarah bilang vice-presidential bet

Inadopt ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi bilang vice-presidential bet si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa isang pahayag sinabi ng partido na nakatitiyak silang ipagpapatuloy ni Mayor Sara ang mga nasimulan ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dahil dito pursigido umano ang PDP-Laban na suportahan si Sara sa darating na May 2022 Election.

Gayunpaman wala naman inilabas na pangalan ang partido kung sino ang i-eendorso nitong kandidato sa pagka-pangulo.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Paliwanag ni Cusi, wala pa silang desisyon kung sino ang susuportahan sa pagka-Presidente dahil patuloy pa nilang sinusuri ang mga kandidatong magtutuloy sa mga nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.