Tiniyak ng Department of Energy na may sapat na supply ng elektrisidad sa bansa kahit may El Niño.
Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella,
batay sa energy outlooks wala silang nakikitang problema
sa mga darating na buwan dahil may paghahanda ang kagawaran para sa panahon ng El Niño.
Samantalam mahigpit na rin minomonitor ng DOE ang completion ng mga major projects ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) sa unang quarter ng taong ito.
Ito’y alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na tiyakin ang energy security sa panahon tagtuyot at tag init.