DOE, iminungkahi na gawing per product at per depot ang pagpapanatili ng minimum inventory ng oil firms

Iminungkahi ng Department of Energy (DOE) ang pag-mandato sa mga local oil firms na gawing per product at per depot ang basehan sa pagpapanatili ng minimum inventory.

Inirekomenda ni Oil Industry Management Bureau Rino Abad na gawin ito imbis na sundin ang total product total country basis matapos maapektuhan ng gulo ng Russia at Ukraine ang suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Abad, isinusulong ng DOE ang pag-amyenda sa Oil Deregulation Law upang mailagay ang mga nasabing specifications.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Sinabi nya na magsisilbing primary entry ng mga produktong petrolyo ang mga refiner at direct importers.

Ipinunto naman ng opisyal na naka-angkla ang proposal sa sa ilang regulasyon kabilang na ang Executive Order 134 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Minandato ng EO sa total oil industry na panatilihin ang minimum inventory ng petroleum para sa parehong crude at finished petroleum products noong panahon ng US-Iraq tensions.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Tinukoy sa implementing guidelines na kinakailangan ang minimum inventory level ng 30-day supply para sa refiners na nagco-cover sa kombinasyon ng crude oil at finished petroleum products; sa 16-day supply para sa direct importers ng refined petroleum products; at seven-day supply para sa LPG importers.