Mga byahero mula Hong Kong, Macau, Brazil at Israel, papapasukin na sa Pilipinas

Pinayagan ng gobyerno ang mga mamamayan ng special administrative regions na Hong Kong at Macau, at pati ng mga bansang Brazil at Israel na makapasok sa Pilipinas na walang visa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Makikita ito sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 164-A na nagsasabi na entitle na manatili sa bansa sa loob ng panahon na hindi lalampas sa 14 na araw ang mga passport holders ng Hong Kong Special Administrative Region (SAR) o Macau SAR.

Read More:  PNP warns police over political social media posts

Pero kailangan sila ay fully vaccinated, may hawak na pruweba ng vaccination, may negatibong RT-PCR test na kinuha 48 oras bago ang kanilang byahe at negatibong laboratory based Antigen Test na kinuha sa loob ng 24 oras bago ang kanilang departure.

Read More:  Palace says Baste Duterte’s ‘I don’t know’ defense could set dangerous example

Iginiit rin na dapat ay valid ang kanilang mga pasaporte sa loob ng anim na buwan mula sa panahon ng kanilang pagdating sa Pilipinas.

Inihayag rin sa IATF resolution na papayagan ang mga mamamayan ng Brazil at Israel na manatili sa Pilipinas sa loob ng panahon na hindi lampas sa 59 na araw habang sumusunod sa parehong mga nabanggit na kondisyon.