Piston, magdadaos ng malawakang protesta laban sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis

Magdadaos ng kilos protesta ang trasport group na Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ngayong araw, dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa March 15.

Sa isang pahayag ay nakiusap ang Piston na makontrol ang presyo ng langis at ng iba pang bilihin, ang pagtanggal sa oil deregulation law at excise tax sa langis, at mataasan ang minimum wage.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sinabi grupo na magsasama-sama sila sa España at sa iba’t-ibang terminal, komunidad, at mga gasolinahan para sa kanilang malawakang protestang bayan laban sa panibagong big-time oil price hike.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Nilinaw naman ng organizers na hindi na nila kailangan magdeklara ng transport strike dahil sa pat na ang mataas na presyo ng langis para magtigil operasyon ang mga drivers at operators na hindi na kaya itong bayaran.