Cusi, hindi pabor sa mga panawagan para sa state of economic emergency

Hindi pabor si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng state of economic emergency sa gitna ng patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Cusi, hindi pa ito kinakailangan sa ngayon.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Ipinunto ng kalihim na wala naman ang mangyayari kung idedeklara ang isang emergency.

Tiniyak naman ni Cusi na ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para matugunan ang problema sa presyo ng langis.

Naniniwala rin si Cusi na hindi magtatagal ang naturang problema.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Noong Lunes ay sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na mapapabilis ang distribusyon ng ayuda para sa iba’t-ibang sektor na apektado ng pag-angat ng presyo ng langis kung magdedeklara ng state of economic emergency ang grupo.