Tiniyak ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aktibong kumikilos ang Task Force El Niño at mga local disaster risk reduction and management councils (DRRMCs) upang mabawasan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Sinabi ni DND Spokesperson Dir. Arsenio R. Andolong, na sa pulong ng task force na pinangunahan ni Secretary Teodoro bilang pinuno nito, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Marlo Iringan na naka alerto na ang mga regional directors pati na rin ang mga local DRRMCs sa kanilang mga hakbang sa pagtugon sa El Niño.
Bukod dito, napagkasunduan din na i-align sa “whole-of-government approach” ni Pangulong Marcos ang mga hakbang ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo at pamamahala sa epekto ng El Niño.
Ito’y dahil nais ng pangulo na mag focus ang pamahalaan sa
“systematic, holistic, at results-driven interventions.”
Nanawagan din si Teodoro ng pagtutulungan at koordinasyon ng lahat sa harap ng inaasahang epekto ng El Niño sa bansa.