Mga indibidwal na nasa evacuation centers sa Mindanao, nabawasan na

Dalawang rehiyon na lang sa Mindanao ang may naitalang evacuees dahil sa naranasang pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng Northeast Monsoon at trough ng LPA.

Sa ulat ngayong araw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa halos 15,538 individuals o katumbas ng 4,187 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 68 evacuation centers sa Region 11 at CARAGA.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mula ito sa mahigit 16 na libong apektado na naitala ng NDRRMC nitong nakaraang linggo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, umabot na sa 258 milyon ang tulong na naipaabot ng pamahalaan sa mga apektadong indibidwal.

Kabilang sa naipamahagi sa mga ito ang family packs, family tents, medical supplies at kitchen kits.