Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpanaw ni Secretary Susan ‘Toots’ Ople.
Sa pahayag, namaalam ang Kalihim ngayong ala-una ng hapon.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Kagawaran para sa pagpanaw ng kanilang secretary.
Nito lamang Hulyo nang mag-file si Ople ng dalawang linggong wellness break matapos ang pagpanaw din ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid na sina dating Mayor Toti Ople at journalist na si Blas Ople Jr. dahil sa lung cancer.
2020 naman nang makipaglaban din si Sec. Toots sa breast cancer.
Kung maaalala, si Sec. Ople ay ang kauna-unahang Secretary ng bagong-tatag na DMW.
Bago pa man ito, siya ay isa nang kilalang advocate para sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Siya rin ang founder ng Blas Ople Policy Center (BOPC) na tumututok sa mga kaso ng distressed OFWs.
Si Sec. Ople ang bunsong anak ni dating Senate President at dating Labor Minister Blas F. Ople.
#