Hands-off daw dapat ang Makati City sa mga EMBO Schools.
Ito ay kasunod ng ipinalabas na order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte subalit ilang guro ang nag-report ng paglabag daw ng lungsod sa kautusan.
Ilang guro mula sa mga paaralan ang nagpaabot ng kanilang report ng paglabag ng Makati City sa order ni Duterte kabilang na dito ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School.
Ang nasabing school supplies ay pinadeliver sa pamamagitan ng courier service delivery ng Makati.
Ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati City ay tinanggihan ng mga guro dahil batid nitong dapat may kautusan muna mula sa DepEd.
Patuloy pa rin ang paglalagay ng mga bagong tarpaulin sa mga Embo schools na nakasaad na “This Property is owned by Makati City”.
Ang General Services Department din ng Makati City ay nagtutungo sa mga EMBO schools para tignan at i-tag ang mga properties sa loob ng paaralan.
Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na kinikilala ng Kagawaran ang kautusan ng Korte Suprema na nagtatakda na ang EMBO schools ay nasa ilalim ng legal na hurisdiksyon ng Taguig City gayunpaman dahil sa hindi nareresolba kung sino ang nagmamay ari ng school buildings ay kailangan ng bumalangkas ng transition plan.
Una nang sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na dapat bilhin o rentahan ng Taguig ang mga school buildings kung nais nitong makumpleto ang paglilipat ng mga EMBO schools sa Taguig.
Kabilang sa reresolbahin ng Transition Committee ay kung sino ang magbabayad ng utilities at security ng mga paaralan gayundin ang iba pang gastusin subalit habang wala pang pinal na plano ay ang DepEd ang syang aako muna ng operating expenses ng mga apektadong paaralan sa pamamagitan ng kanilang contingency plan.
Una nang sinabi ng Taguig City na suportado nito ang hakbang ng DEped para sa smooth, orderly at peaceful transition para sa administrasyon ng mga paaaralan patungo sa kanilang lungsod.
#