Supply ng isda sa merkado ng Sagñay kulang na kulang ngayon- MAO

NAGA CITY – Hindi pa rin nakakapaglaot sa ngayon ang ilang mangingisdang nagsusupply ng isda sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur kaya apektado ang supply sa merkado.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Myrna Sinaon, Municipal Agriculture Officer.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Aniya maliban sa maalon pa , kakaunti pa ang mga nahuhuling isda kaya lugi sa gasolina; napipilitan ang ilan na huwag na munang pumalaot sa ngayon.

Sa ganitong sitwasyon, apektado naman ang mga fish vendor maliban kasi sa kulang ang supply ng isda, mataas rin ang bili nila sa mga ito kaya naman dagdag presyo rin sila ng nasa P5.00 hanggang P10.00 bawat kilo.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ilan nga sa mga isdang nahuhuli sa bayan ay ang yellow fin na nasa ₱330.00 kada kilo, pundahan ₱280.00, burao-burao ₱200.00-₱250.00 at matam baka na nasa ₱300.00 bawat kilo kapag nasa sentro na ng bayan.