DMW, nag-umpisa nang magpadala ng mga negotiators sa Saudi Arabia re:deployment ban

Nakatakda nang umpisahan ng Department of Migrant Workers ang pagpapadala ng mga negosyador sa Kingdom of Saudi Arabia para talakayin ang mga labor concerns ng ating mga kababayang nagta-trabaho doon.

Ito ay hinggil sa deployment ban na ipinataw ng ating Gobyerno na layong ipahinto ang pagpapadala ng mga bagong Filipino workers sa Saudi Arabia dahil sa ulat ng umano’y labor exploitation sa ating mga kababayan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nag-ugat ito sa ulat kung saan nasa 11,000 mga OFWs sa Saudi ang ‘di umano’y biktima ng pang-aabuso, ‘o ‘di kaya’y hindi pinanasahod nang tama.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay Migrant Workers Secretary Toots Ople, uumpisahan na ang pakikipagkomunikasyon sa mga opisyales ng KSA para mabalangkas ang ‘win-win’ solution para sa mga OFWs.

Layon nitong matiyak na ligtas ang mga working conditions ng ating mga kababayan at maresolba ang kanilang mga labor issues.
#