Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

Matapos ang higit sa dos pesos na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo – asahan naman kakaunting paggalaw sa oil prices next week.

Ayon sa oil industry sources, mababa lamang ang paggalaw na inaasahan sa presyo ng gasolina.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Posible umanong mayroon itong umento na diyes sentimos sa kada litro; ‘o di kaya’y rollback na bente sentimos.

Sa diesel naman, posible ang rollback mula P0.90 hanggang P1.20; habang P0.20 naman hanggang P0.50 ang inaasahang tapyas sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Asahang iaanunsyo sa araw ng Lunes ang opisyal na price adjustment habang ipatutupad naman ito simula sa Martes.
#