Senate Minority Bloc, binatikos ang KWS pag-pull out ang mga aklat

Kinundena ng Senate Minority ang naging hakbang ng Komisyon sa Wikang Filipino na ipahinto ang distribution at pagpu-pull out ang mga aklat na ‘di umano’y mayroong mga subersibong kasulatan at tumutuligsa sa gobyerno.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, hindi raw dapat kinokontrol ng iilang mga tao ang mga nais basahin ng mga mag-aaral.

Giit nito, dapat ay mayroon pa ring access ang mga Pilipino sa iba’t ibang klase ng mga ideya.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Paliwanag ni Pimentel, nasa sariling desisyon na raw ng mga mag-aaral kung ano ang sa tingin nito ang tama at mali kagaya na lang ng pag-aaral din sa mga ideya ni Karl Marx.

Nanidigan din ito na tapos na ang era kung saana ang subversion ay itinuturing na krimen.

Sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros na ang hakbang an ito ng KWF ay labas na sa Anti-Terrorism Law.

Matatandaan kasing ipinaliwanag ng KWF na ang mga aklat na pina-pull out nila ay posible umanong masaklaw ng ‘inciting to commit terrorism’.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Para kay Hontiveros, ang ano mang uri ng paglilimbag at pamamahagi hanggang sa pagmamay-ari ng mga akademikong literatura ay hindi na raw saklaw ng ATL.

Matatandaang una na ring binatikos ng ilang mga propesor ng Filipino at Literatura ang hakbang na ito ng KWF.

Umalma rin ang mga may-akda ng ilang mga aklat na napabilang sa listahan at nanindigang hindi nila ito isinulat para tuligsain ng gobyerno.
#