Salon, restaurants, at grocery stores – nadiskubre sa loob ng POGO compound sa Porac, Pampanga

Ngayong araw – muling nag-inspeksyon at ni-raid ng mga otoridad ang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Matatandaan kasing sa una’y bigo silang masuyod ang compound nang maigi dahil sa kakulangan sa warrant mula sa Korte.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Sa pagbalik nila sa sampung ektaryang POGO hub sa Pampanga, nadiskubre ang isang komunidad sa loob na kumpleto sa iba’t ibang mga establisimyento.

Nakita rito ang ilang mga tindahan, grocery, salon, at mga restaurants.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Tumambad din ang mga clinics, at pharmacy stores.

Maliban sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), kasamang nagpatuloy ng search and rescue operations ngayong araw ang PNP-CIDG at ACG; MSWDO, at mga opisyal ng Barangay Sta Cruz.