Inihayag ng producer ng Academy na handang arestuhin ng mga pulis si Will Smith matapos nitong sampalin ang komedyanteng si Chris Rock sa Oscars.
Sa kanyang pinaka-unang public comments simula noong episode na bumahid sa pinakamahalagang gabi sa Hollywood, sinabi ni Will Packer na nakausap niya si Rock nang pumasok ang mga pulis para kausapin siya.
Ayon kay Packer, maari umanong magsampa ang komedyante ng kaso laban sa aktor, pero hinayaan nalang umano nito ni Rock.

Sinabi rin ng police sa Los Angeles na hindi naghain ng report si Rock hinggil sa naturang insidente.
Matatandaan na tila napikon si Smith nang magbiro si Rock hinggil sa pagpapakalbo ng asawang si Jada, dahil sa kondisyon nitong alopecia, hanggang sa umakyat ito sa stage at ginulantang ng sampal ang komedyante.