Divorce Bill, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng “viva voce” o voice voting, naipasa sa second reading ang House Bill 9349 na layong gawing alternative mode ang divorce para sa dissolution ng irreparably broken o dysfunctional marriage nang may limitadong grounds at well-defined judicial procedures.

Binibigyan nito ng karapatan ang isang divorced spouse na magpakasal muli.

Iginigiit sa panukala ang nararanasang sakit, stress at labis na kalungkutan ng mga batang apektado ng palagiang pagtatalo at di mapagkasunduang pagkakaiba ng mag-asawa.

Kabilang sa grounds ng ihahaing petisyon para sa absolute divorce ang grounds para sa legal separation sa ilalim ng Family Code; grounds para sa annulment of marriage; kapag hiwalay na mag-asawa sa loob ng limang taon; psychological incapacity; irreconcilable differences; at domestic o marital abuse.

Partikular din na binabanggit na grounds ang physical violence o abusive conduct laban sa petitioner o sa kanilang anak; moral pressure sa petitioner na magpalit ng religious o political affiliation; ilako sa prostitusyon ang petitioner o anak; habitual alcoholism o paggamit ng ilegal na droga; homosexuality ng respondent; kapag nasentensyahan ng pagkakakulong ang respondent sa loob ng anim na taon kahit na i-pardon pa; pagkakaroon ng anak sa ibang lalaki o babae maliban kung vitro fertilization o nabiktima ng rape at kapag inabandona ang petitioner nang mahigit isang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *