Farmers Festival Cum Kadiwa, matagumpay na naisagawa

BNFM Bicol-MATAGUMPAY  na naisagawa ng Department of Agriculture o DA Bicol ang isang programa para sa mga mangingisda at magsasaka sa buong rehiyon sa katatapos pa lamang na Farmers Festival Cum Kadiwa sa DA nitong May 15, 2024 sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Sa isang misa pasasalamat para sa dakilang patron ng mga magasasaka na si San Isidro Labrador at saka binuksan ang programa na dinaluhan ng 49 exhibitors mula sa mga probinsya sa Bicol.

Ayon naman kay Dr. Mary Grace DP. Rodriguez, OIC-Regional Technical Director for Operations ng Department of Agriculture Bicol, na ang ganitong  programa ay nagsisilbing plataporma para maipakita ang mga makabuluhang nagawa ng kanilang sector.

Isa rin sa ipinagdiriwang ang malaking kontribusyon ng mga mangingisda at magsasaka sa usapin ng food security at ekonomiya ng Bicol Region. ### KENNETH BERMIL

Courtesy: Department of Agriculture/Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *