Diskriminasyon sa mga Indigenous People sa Camarines Sur, patuloy na linalabanan ng NCIP

NAGA CITY – Ramdam pa rin magpahanggang ngayon ng National Commission on Indigenous People o NCIP ang mga diskriminsayon sa mga Indigenous Peoples sa probinsya ng Camarines Sur.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Agnes Salvino, NCIP Provincial Officer, sinabi nitong sa pamamagitan ng mga Memorandum of Agreement at patuloy na pakikipagcoordinate sa iba’t-ibang ahensya naipaglalaban at napoprotektahan nila ang mga ito.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Katunayan sa Department of Education naituturo na rin ang mga kultura, may tinatawag silang IPED at nagtalaga ng mga focal person para maiwasan ang karahasan sa kanila at pambubully , may Action Legal Officer sila na siyang kikilos para sa mga nadidiscriminate na mga IP at MOA na nagsasabi sa tamang pagtrato sa kanila.

Mahigit 20,000 mga IP Communities mayroon ang Camarines Sur, karamihan sa mga ito Agta Tabangnon. Pitong Municipality sa Camarines Sur ang kasalukuyang minomonitor ng opisina mayroon sa bayan ng Ocampo, Buhi, Baao, Goa, Sagñay, Tigaon, at sa lungsod ng Iriga.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa pamamagitan rin ng mga Programa nila para sa mga IP naipapakita nila at narerecognize na pagdating sa mga decision making sa LGU, Council at Legislative na ang mga IP ay parte ng komunidad.