Camarines Sur nakapagrecord ng 75 dengue cases sa loob ng dalawang linggo

NAGA CITY- 75 ang nakagat ng lamok na positibo sa dengue virus sa lalawigan ng Camarines Sur kasama ang Naga City sa loob ng dalawang linggo.

Ito ang nakasaad sa record ng Department of Health- Bicol mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 9, 2022. Higit na mas mataas ito kumpara noong 2021 na may 23 lamang.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa Naga City nakikiusap si San Francisco Punong Barangay Efren Nepomoceno sa mga boarders o na mula sa iba’t ibang bayan sa Camarines Sur na sundin ang mga hakbang ng kanilang barangay sa search and destroy.

Bukod pa riyan, maging malinis din sa kanilang mga inuupahan halimbawa ang paglilinis sa mga lalagyang na s-stock ang tubig. Nakiki-usap din na sundin ang tamang oras at araw ng pagtapon ng basura upang hindi pinamumugaran ng mga insekto o ‘di kaya ay nakakabara sa mga daluyan ng tubig.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sinabi ni Nepomoceno na pati tabi ng ilog nililinis nila upang maiwasan ang dengue at iba pang sakit.