Disaster assistance family access card, ibinigay sa mga magsasaka matapos maiulat na bumabalik ang ilan sa loob ng 6km PDZ

LEGAZPI CITY – Binigyan ng lokal na pamahalaan ng Camalig ang mga magsasaka sa kanilang bayan ng Disaster Assistance Family Access Card matapos maiulat na bumabalik ang ilan sa loob ng 6km PDZ upang bisitahin ang naiwang kabuhayan.

Ang naturang card ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may layong mamonitor ang head count at ginagawa ng mga magsasaka sa loob evacuation centers bilang paraan upang matiyak na mahigpit na ipinapatupad ang hindi pagpasok sa loob ng danger zone ng Mayon.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Magsisilbi rin ang card bilang kagamitan sa pagbabantay sa mga naibibigay na mga asistensya sa mga magsasaka, mula sa simula ng paglilikas hanggang sa proseso ng kanilang muling pagbabawi.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa ngayon, bilang inisyal din na tugon upang matigil na ang pagbabalik ng mga magsasaka sa PDZ ay pinamahagian ang mga ito ng dagdag na asistensya sa pagkain.