Operasyon tuli isinagawa sa bayan ng Jose Panganiban

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ng operasyon libreng tuli ang LGU Jose Panganiban nitong nakaraang biyernes sa Rural Health Unit 1 ng nasabing LGU na pinilahan ng mga binatilyo sa naturang bayan.

Bukod sa libreng tuli ay nag bigay din ng libreng gamot tulad ng pain reliever at antibiotics ang naturang lokal na pamahalaan para masiguro ang mabilis na paggaling ng mga kabataan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Siniguro rin ng mga Doktor na nag sagawa ng naturang operasyong tuli na sterilized ang kanilang mga kagamitan at may apat na kwarto na sabay-sabay na ginagamit para mas marami ang maka-avail ng libreng serbisyong ito.

Samantala, ang tuli o circumcision ay isang uri ng operasyon sa ari ng mga kalalakihan na karaniwang isinasagawa sa mga kabataang nasa edad siyam hanggang labingtatlong taon,  na maaaring magdulot ng mga benepisyo sa kalusugan ng mga lalaki gaya ng pansariling kalinisan, mas maliit na posibilidad ng pagkakaroon ng impeksyon sa daluyan ng pag-ihi o UTI, mas maliit na posibilidad ng pagkakahawa sa mga Sexually Transmitted Disease, at pag-iwas sa mga problema sa ari ng lalaki.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say