CAMARINES NORTE – Naisagawa ng BJMP-Camarines Norte ang isa sa mga aktibidad nila na tree planting na may temang “Serbisyong Makatao, May Intregridad, At Matatag Tungo Sa Progresibong Komunidad” na matagumpay na naidaos sa iba’t-ibang lugar sa probinsya ng Camarines Norte.
Ang mga nakilahok sa aktibidad ay ang Labo District Jail, Daet District Jail Annex, at ang Daet District Jail.
Ginanap ng Daet District Jail ang naturang aktibidad sa Purok 2, Brgy. Matnog sa bayan ng Basud kung saan ang kanilang naitanim ay Mahogany, Narra, Bitaog, at Fruit bearing trees at naging kaagapay rin nila ang PENRO at Daet MENRO.
Naisagawa naman ng Daet District Jail Annex ang pagtatanim ng puno sa Purok 5, Brgy. Dogongan, sa bayan naman ng Daet na ang kabuuang naitanim nila ay nasa 125 puno ng Mahogany.
Sa Brgy. Mabilo II naman naisagawa ang tree planting ng Labo District Jail na kung saan nagbigay rin ng partipasyon ang mga Brgy. Officials at mga residente ng naturang lugar at 100 puno ng Mahogany ang kanilang naitanim.
Ang aktibidad na Tree Planting ng BJMP-Camarines Norte ay kaugnay sa selebrasyon ng 32nd BJMP Anniversary at parte ng kanilang selebrasyon ang makapagbigay ng iba’t-ibang klase ng tulong na ang makikinabang ay mga mamamayan ng Camarines Norte. Malaking tulong umano ang pagtatanim ng puno lalo’t nakakaranas ngayon ng El Niño.
Samantala, ang kabuuang naitanim ng BJMP-Camarines Norte ay 410 na mga puno na naisagawa sa mga nabanggit na lugar.
